|
kaeps
|
read my profile
sign my guestbook
Name: keypi Country: Philippines Birthday: 11/29/1987
Interests: basketball...chatting...text... internet... fhm magazine... thats all for now... Occupation: Military Industry: Other
Message: message me Yahoo: kaeps_cute
Member Since:
8/11/2004
|
|
| Kahit na valentines at araw ng mga puso.....  | | |
| TANGING INA
Ilang taon na rin ang nakakalipas nang maghiwalay ang mga magulang ko. Tanggap ko na pero minsan hindi ko pa rin maiwasan malungkot kasi namimiss ko ang nanay ko. May madrasta na ko at alam ko mabait naman siya at nakakasundo. Pero iba pa rin ang pagmamahal ng isang tunay na ina. Hinahanap hanap ko pa rin siya. Iba pa rin ang kanyang pagaasikaso samin. Iba ang pa rin ang mga tawanan namin at kulitan namin. Nakakamiss ang mga gabing nasa tabi ko siya at siya ang kayakap ko. Close kase kami ni mami eh, mommy's girl kase ako. Kahit nakakasama ko mami ko palagi, nakakamiss pa rin yung and2 sha sa bahay at kung pano niya ko alagaan. At kahit anong mangyari walang sino man ang makakahigit sa pagmamahal na binigay sakin ng tunay kong ina
| | |
| Hi-tech na
Ang hi-tech na ng mundo ngayon. Ang dami na ang nagbago. Manuod ka nga lang tv, ang dami mo ng makikita magagandang produkto na inaadvertise sa mga komersyal.
Ang dating betamax ay naging vhs. Laos na ang vhs nang dumadating si vcd... meron pa rin vcd pero ang uso ngayon ay dvd. Ang dating naming koleksyon ng vhs ay nabasura na ng mangolekta na lang kame ng mga dvd...
Ang cellular phone nuon ay parang cordless telephone sa sobrang kapal at malaki, yung analog phone kase ang ginagamit dati. Pero nung dumating ang gsm phones, maraming tao ang gustong magkaraon nung unang model na 5110. Libo pa ang halaga ng 5110 nuon... pero ngayon makakabili ka nito sa halagang 250pesos na lang. Lumabas na kase ang mga bago at tuluyan ng nakakalimutan ang mga lumang models. Ang dating pangtawag at pang text na cellphone ay nilagyan na ng camera, radio, recorder video at kung ano ano pa. Siguro tv na ang susunod nilang ilalagay. At paliitan at panipisan na ang mga cellphone ngayon at magaan pa. Hindi na nga umaabot ang mouthpiece nito sa bibig natin sa sbrang liit.
Ang simpleng walkman na may recorder at tape ay laos na nung dumating na rin ang discman. Pero ang uso ngayon ay ung napaka nipis na Ipod nanu o kung ano ano pang mga mp3 o mp4 players. Hindi lang basta basta mp3 player, may video pa. Nakakamangha isipin na pwdeng mag lagay ng mahigit 500 songs dun sa napakanipis na ipod nanu.
Ang dating family computer at gameboy na black and white (ung makapal) ay nawala na nang umusbong ang playstation at gameboy color... Pero iba na ang ginagamit ngayon, PSP, Playstation 3, o ung mga nitendo dx at ung Xbox... at marami pa...hitech din to dahil cd na ang bala nila....
O ano? iilan lang yan sa mga bagay nahitech na. hitech na talaga ang mundo ngayon.
Sa mga nakamamanghang tecknolohiya ay patuloy natin inaasam ang mga makabagong at hi-tech na produkto na to. Humihiling na magkakaron din tayo ng bago at mapapalitan na ang mga laos o luma. Pinipilit natin ang ating mga magulang na palitan ang luma nating 3210 o ang ating discman at kung ano2 pa ang pinapabili natin. At kung hindi natin to nakuha, magagalit tayo o magtatampo... ung iba parang binagsakan ng mundo. At ung iba naman parang hindi mabubuhay kung wala sila ng mga ito.
Sana maisip natin na maswerte pa rin tayo kesa sa mga ibang tao. Yung iba walang cellphone, pang load nga walang pangbili cellphone pa kaya.... Wala manlang silang family computer, vcd o dvd dahil kahit tv wala sila. Nattyaga na lang silang makinuod sa mga kapitbahay. Hanggang pakikinig na lang ang radio ang kaya nila dahil kahit walkman hindi nla kayang bilhin. Pero kahit wala silang mga hitech na bgay na yan, nakukuha nila maging masaya. Kuntento sila kung anong meron sila. Bakit kelangan maging kumplikado ang buhay natin? Dati naman nabubuhay tayo ng simple lang. Sana nalang ay magpasalamat na lang tayo kung anong meron tayo.
sometimes we wish too much that we forget to appreciate what we have | | |
| Gagawin ko
Hindi man ako mayaman para ibili ka ng mga mamahaling regalo. Hindi naman ako mayaman ngunit hindi naman din ako mahirap. Pero kapag alam kong meron akong mabibigay alam mo naman hinding hindi ko ito pagkakait sayo. Mga simpleng bagay ang nabibigay ko sayo alam mo namang pinaghirapan kong ipunin ang baon ko para gawing espesyal yon.
Alam kong hindi ako marunong magluto. Hindi ko mailuto ang paborito mong ispageti, at alam mong hanggang Yaki Soba lang ang kayang ko. Pero para sayo magpapaturo ako magluto at balang araw, maipagmamalaki ko sayo na kayang kaya ko na lutuin ang mga paborito mong pagkain.
"ang bilis mo kumain, ayoko ng mabilis kumain" Lagi mo nalang sinasabi sakin yan, pero para sayo...babagalan kong kumain, ang 3 kagat ko sa isang pizza gagawin kong anim para sabay tayong matapos.
At hinding hindi ko na iiwanan yung cellphone ko sa bahay, kahit wala na tong battery para palagi mo kong mattext. Bibilisan ko na rin ang aking pagreply sa mga mesages mo para hindi mo na ko tinatadtad ng mga miscalls.
Dont talk to strangers... sige, hindi na ko kakausap ng hindi ko kakilala maski nagpakilala na siya... hehehehe
At kapag magkikita tayo, lagi kitang dadalhan ng paborito mong green tea na para hindi na mauubos ung pera mo kakabili nito.
Gigising na rin ako ng 6am para may mattext mo ko kahit alam mong 4am na ko natulog. alam mo naman kse na tingin ko sa gabi umaga at ang umaga gabi.
Hinding hindi ko na rin ibubuhos ang galit ko sayo sa friendster para hindi ko na mapiltang ang "married" na "single."
At kapag busy ka at nababaliw na sa mga inaaral mo, alam mo naman handang handa kita tulungan. Hindi ko man maituturo sayo ang pharmacy o mga kingdoms and phylums na yan, alam mo naman kapag may ipapa-drawing at design ka sakin, maaasahan mo ko.
Hindi na rin kta pagtatawan kapag kumakanta ka at nagkamali ka ng lyrics. "some people want tambourines but i dont.."
Hinding hindi ko na talaga kakausapin ang mga ex ko kahit "hello kitty" lang ang paguusapan namin.
Alam kong ayaw mo ng nagyoyosi. Minsan hinding hindi na ko makatiis na hindi humithit ng isang stick. Pero para sayo handa akong itigil itong bisyo na to para sayo. Alam mo naman mas importante ka kaysa malboro lights.
Hindi na rin ako magccut ng school para sayo kahit lahat ng barkada ko ay mag-ggoodtime. Makikisama ako sa mga anghel sa class namin at makikinig na lang ng boring na sociology lecture.
Kung naka milyong dial ka na para twagan ako sa sun cellular ko tuwing gabi, handa akong ibuwis ang load ko sa globe para tawagan ka at kausapin ka.
Aalagaan kita kahit napakasakitin ko.. pangako ko hinding hindi na kita sasaktan pa.... Lahat to gagawin ko maging masaya ka lang. Magmumukang tanga para ngumiti ka lang... kase makita ka lang masaya... masaya na rin ako.
| | |
| away na namanA: "uy msta na... musta na love life?" B: "ayos lang, going strong pa din..." A: "o? ang tatag niyo ha... e diba away bati kayo?" B: "oo nga pero it doesnt really matter nman, ang mahalaga madalas kayo magbati... kung baga, kung pano kayo nagccompromise" normal lang daw sa isang relasyon ang magaway?! eh pano kung halos araw araw nagaaway kayo? Ang "away" daw healthy sa relasyon...d naman ata maganda ung parating ok kayo at hindi nagaaway. naku kung ganon eh sobrang healthy na namin... oo nga, ang away ay part ng relationship, healthy na rin, kesa naman sa totally hindi kau nagaaway. ang boring naman nun dba. How would two people grow if they dont experience challenges? Yung mga away na yan pang patibay lang yan ng isang relasyon or kung baga "test" sa dalawang tao kung gaano sila katatag. at para na rin maging matatag sila sa mga iba pa nilang pagdaanan. katulad nga ng sinabi ko, it doesnt really matter how often you fight, what really matter is how often u make "bati" o dba?! tangglish pa | | |
|
|